Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang batas na nagtataas ng tax exemption cap para sa mga bonus ng mga manggagawa sa gobyerno at pribado sa kabila ng sinasabing malaking epekto nito sa revenue collection ng gobyerno.

“According to the Office of the Executive Secretary, the President has signed into law the bill raising the ceiling on tax exemptions on bonuses to P82,000,” saad sa pahayag ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr.

Sinabi ni Coloma na ang nilagdaang batas, na epektibong magtaaas ng take-home pay ng mga manggagawa, ay isusumite sa Kongreso.

Bago ang pagpapsa ng batas, ang tax exemption cap para sa mga bonus ng mga manggagawa sa publiko at pribadong sektor ay itinakda sa P30,000.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Unang kumilos ang Kongreso na ipasa ang isang panukalang batas na mag-aalis ng buwis sa mga bonus na nagkakahalaga ng P75,000, bago ito magbakasyon noong Disyembre. Ang hakbang -- na sinasakop ang 13th month pay at iba pang mga benepisyo na natanggap ng mga empleado bawat taon— ay isinumite para sa lagda ng Pangulo noong Enero 14, 2015.

Nagpahayag ng pagtutol ang Department of Finance sa panukala dahil sa inaasahang pagbawas sa kikitaing buwis na tinatayang aabot sa P26 bilyon hanggang P30 bilyon. Iniulat na pinayuhan ng mga opisyal ng Finance ang Pangulo na i-veto ang panukala at maglabas na lamang ng isang administrative order na mag-aayos ng tax exemption cap para sa P55,000.