Inaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at kanyang asawa sa isang buy-bust operation sa Metro Manila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Aminodin Guinto at at Marizen, kapwa 21-anyos, at residente ng Barangay 648 C. Palanca Street, San Miguel, Manila.

Sa report ng PDEA, ganap na 4:00 ng hapon nasukol ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) sa pamumuno ni Director Jeoffrey Tacio, PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa ilalim ni Director Erwin Ogario at PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES) matapos ang bentahan ng 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3 milyon sa poseur-buyer ng PDEA sa Arlegui Street, San Miguel, Manila. Nakumpiska rin kay Guinto ang isang identification card na nagsasabi na isa siyang miyembro ng MILF.

Nahaharap ngayon ang mag-asawa sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), Article II of Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

DepEd, isinusulong ang kahalagahan ng rights-based education