Panahon na ng mga high-tech gadget, cellphone at WiFi at ang ugnayan ng mga tao ay kasing rupok ng Internet connection. So, paano malalaman kung mahal ka nga ng boyfriend mo sa panahong ito?

  • Hindi password-protected ang kanyang cellphone. - Kahit na protektado pa iyon ng password, handa niyang ibigay iyon sa iyo ano mang oras mo naising gamitin ang kanyang cellphone. Sa ganoon mo rin malalaman kung matapat siya sa iyo at wala siyang nililihim. Kapag ibinahagi niya sa iyo ang kanyang password, nangangahulugan din iyon na handa niyang ibahagi sa iyo ang kahit na ano - pati na ang kanyang buhay.
  • Siya ay ‘in a relationship’ sa iyo sa Facebook. - Sa isang daigdig na puno ng mga lalaking may phobia sa commitment, ito ang tiyak na senyales na siya ay bukod-tangi. Pahalagahan mo ang lalaking ito! Mahal ka niya at hindi siya nahihiyang ipakita iyon.
  • National

    Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

  • Alam mo ang password ng kanyang email. - Kung nasa ganito na ang status ng inyong pagmamahalan, mas may tiwala sa iyo ang boyfriend mo kaysa kanyang sarili. Handa niyang ipakita sa iyo ang lahat pati na ang kanyang kaluluwa. Wala siyang sinisikreto dahil talagang mahal ka niya.
  • Hinihinto niya ang kanyang paglalaro para sumagot ng tawag mo. - Ang mga lalaki at ang kanilang games - walang puwersa sa mundo na makapaghihiwalay sa dalawang ito. Ngunit kung ang boyfriend mo ay aktuwal na binibitiwan o iniiwan ang kasarapan ng kanyang paglalaro, maging video game man ito o basketball, naku, girl, napakasuwerte mo! Mas mahal ka niya kaysa kanyang game at malamang na higit pa kaysa ano man sa buong daigdig!
  • Handa siyang maghintay sa iyo. - Ang mga magkasintahan ngayong panahon ay open-minded pagdating sa paksa ng “pagtatampisaw sa kaligayahan”. Gayong may ilang magkapareha ang nagiging intimate bago ikasal, marami pa rin ang makaluma pagdating sa bagay na iyon. Pero kung makaluma ka at tipong sumusunod sa bertud ni Maria Clara at nauunawaan ka ng iyong boyfriend, nirerespeto ang iyong prinsipyo, talagang gusto ka niya hindi lamang para sa pisikal na kaligayahan.