SEOUL, South Korea (AP) — Hinatulan ng isang korte sa Seoul noong Huwebes ang dating Korean Air executive ng isang taon sa kulungan sa paglabag sa aviation law na nag-ugat sa kanyang inflight tantrum dahil sa paraan ng paghain sa kanya ng macadamia nuts.
Si Cho Hyun-ah, anak ng chairman ng Korean Air, ay nakilala sa buong mundo matapos niyang iutos na bumaba ang chief flight attendant sa biyahe noong Disyembre 5, napilitan ang eroplano na bumalik sa gate sa John F. Kennedy Airport sa New York.
Pinuno ng cabin service nang mangyari ang insidente, nagalit si Cho nang bigyan siya ng macadamia nuts na nakalagay sa supot imbes na sa plato. Dahilan para magkaroon ng mainit at pisikal na komprontasyon sa mga miyembro ng crew sa first class.
Sinabi ng korte na si Cho ay nagkasala ng pagpilit na baguhin ang ruta ng flight, pakikialam sa trabaho ng captain at pagpuwersa sa isang crew member na bumaba sa eroplano. Napatunayan ding nagkasala siya ng pakikialam sa transport ministry investigation sa insidente.