Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang kasong falsification of public documents na kinakaharap nina Pililla, Rizal Mayor Leandro Masikip at dati niyang vice mayor na si Tomas Aguirre kaugnay ng pamemeke ng mga ito ng isang resolusyon ng konseho upang makabili ng loteng pagtatayuan ng kalsada ng barangay.

Ayon sa anti-graft agency, pineke nina Masikip at Aguirre ang isang municipal council resolution noong 2005 upang palabasin na nagpasa ng resolusyon ang konseho upang makapaglaan sila ng P105,350 na pambili ng lote.

Binanggit ng Office of the Ombudsman na napatunayang nagkasala si Aguirre sa simple dishonesty at pinagmumulta siya ng halagang katumbas ng anim na buwan niyang suweldo para sa kasong administratibo.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez