Ipinagdiriwang sa buong mundo ang Pebrero 14 bilang Valentine’s Day upang parangalan si St. Valentine, isang pari na naglingkod noong ikatlong siglo sa Rome, ngunit binitay nang sinuway niya ang utos ng emperador na huwag magkasal ng mga magsusundalo at kanilang mga nobya. Noong 498 AD, idineklara ni Pope Gelasius ang Pebrero 14 bilang St. Valentine’s Day. Sa petsang ito, ang mga bulaklak, karaniwang pulang rosas; mga card na may emosyonal na mensahe, mga regalo at iba pang token ng pagliliyag ay tradisyunal na ibinibigay bilang parangal sa santong Romano.

Sa Pilipinas, ito ay isang red-letter day, kung kailan ipinahahayag ng mga tao ang kanilang pag-ibig sa kanilang sinisinta sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bulaklak, cards, greetings, regalo, at love notes. Ang mga flower shop, malls, hotels, and restaurants ay napalalamutian ng mga pulang puso, mga kupido, bulaklak, stuffed toys, hugis-pusong tsokolate at kendi, upang salubungin ang mga mag-asawa, magkasintahan, magkakaibigan, mga pamilya upang idaos ang kanilang romantic o bonding moments.

Ang moda ng pagbati ngayon ay gumagamit ng hiwaga ng media; cards na nabuburdahan ng mga bulaklak at romantic notes at ipinadadala sa online o sa text. Sa anumang paraan, ang paggunita ang tunay na mahalaga.

Nagsimula ang pagbati sa Valentine’s Day noong ika-18 siglo nang magbigayan ang mga magkakaibigan at magkakasintahan ng regalo at mga mensaheng isinulat-kamay sa mga card na may lace, ribbon, at may dekorasyong kupido at puso. Lumaganap ang cards sa England, at kalaunan sa Amerika, nang simulan ni Esther A. Howland ng Worcester, Massachusetts, ang paggawa ng marami niyon noong 1850s.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Isang bilyong card ang ipinadadala kada taon sa buong mundo, kung kaya ang Valentine’s Day ang pangalawang pinakamalaking card-sending holiday ng taon, kasunod ng 2.6 bilyong card na ipinadadala tuwing Pasko. Ang pinakamatandang kilalang Valentine card ay naka-display sa British Museum, habang ang pinakamatandang kilalang tula na pang-Valentine, na isinulat ni Charles, Duke of Orleans, noong 1415 sa kanyang maybahay, ay nasa British Library. Inilabas ng Hallmark ang unang Valentine’s card nito noong 1913.

May ilang paniniwala na kaugnay ng Valentine’s Day. Una, ginugunita nito ang paglibing noong 270 AD ng martir na si St. Valentine na habang nakapiit noon, ay pinagaling si Julia, ang bulag na anak ng kanyang jailer na si Asterius. Ayon sa alamat, bago siya binitay, pinadalhan niya si Julia ng unang “Valentine” letter kung saan nilagdaan niya ng “From your Valentine,” na karaniwang ginagamit magpahanggang ngayon. Sinabing naggugupit si St. Valentine ng mga pusong papel at ipinamahagi sa mga sundalo upang ipaalala sa mga ito ang kanilang pangako ng dalisay na pagmamahal sa kanilang maybahay at ang pag-ibig ng Diyos, pinaniniwalaang dito nagsimula ang popular na paggamit ng puso sa Valentine’s Day.

Ang isa pang paniniwala ay ang paggunita sa hakbang ng Simbahan na gawing Kristiyano ang paganong fertility rite na Lupercalia, bilang parangal kay Faunus, ang diyosang Romano ng agrikultura, at ang mga founder na Romano na sina Romulus at Remus. Noong Middle Ages, may paniniwala ang France at England na ang Pebrero 14 ang simula ng pagpupulot-gata ng mga ibon, ang angkop na panahon para sa romansa.