Matapos magpalabas ng garnishment order ang Sandiganbayan laban sa kanyang multi-milyong pisong ari-arian, hindi na humirit si Senator Ramon “Bong” Revilla na magpa-check up sa isang mamahaling ospital.

Bagamat pinayagan siya na sumailalim sa check up sa St. Luke’s Medical Center noong Nobyembre, hiniling na lang ngayon ng mambabatas na payagan ng korte na magtungo siya sa Philippine National Police (PNP) General Hospital sa Camp Crame dahil sa iniindang kirot sa likuran at paa.

“Unless proper medical attention is given to Senator Revilla, his condition may further aggravate,” pahayag ng abogado ng senador sa inihaing mosyon.

“There is therefore a need for him to undergo a more extensive medical examination and treatment as soon as possible to address his medical conditions, so as to prevent further complications,” giit ng kanyang mga abogado mula sa Esguerra and Blanco Law Firm.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dahil sa nararanasan niyang matinding kirot sa magkabilang bukong-bukong, muling sinuri ni Senior Insp. Francisco Agudon, doktor mula sa PNP General Hospital, si Revilla noong Pebrero 6 sa piitan nito sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Napag-alaman ni Agudon na nakararanas si Revilla ng Insertional Achilles Tendinitis B.

“Accordingly, Dr. Agudon recommended that Senator Revilla undergo an x-ray of both feet and physical therapy, two to three times a week for two weeks. Dr. Agudon also suggests the application of intermittent lumbar traction,” pahayag ng mga abogado ng dating aktor.