SUBIC BAY, Freeport Zone- Hangad na makabawi sa kabiguang nalasap sa nakaraang Season 89 women’s finals, namayagpag ang Arellano University (AU) duo nina Elaine Sagun at Angelica Legacion matapos magposte ng limang sunod na panalo sa pagpapatuloy ng NCAA Season 90 beach volleyball tournament sa Boardwalk dito.

Huling tinalo nina Sagun, 22-anyos at third year Business Administration student na tubong Marikina, at Legacion, 21-anyos at fourth year Hotel and Retaurant Management student, ang tambalan Nina Audrey Paran at Patricia Jela Pena ng Mapua, 21-13, 21-9.

“Kailangan po e kasi medyo mataas ang expectation sa amin this year,” pahayag ni Sagun.

Habang sinusulat ang balitang ito ay lumalaban pa ang dalawa kontra sa napatalsik nang Letran.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kasama nilang nakasisiguro sa Final Four at final placing ay ang University of Perpetual Help (5-1), Emilio Aguinaldo College (5-1) at San Sebastian College.

Sa kabila ng natamong kabiguan sa kamay ng Letran, nanatiling nasa kontensiyon ang defending women’s champion na SSC makaraang makapagtala ng tatlong sunod na panalo.

Makaraang mabigo sa Lady Knights, nakabalik naman agad sa winning track ang tambalan nina Gretchel Soltones at Camille Uy matapos magposte ng tatlong dikit na panalo, ang pinakahuli ay kontra sa Lyceum pair nina Erika Layug at Alanee Oaredes at San Beda tandem Nina Camille dela Pena at Debbie Dultra, 21-14, 21-14.

Dahil dito, umangat sila sa barahang 5-1 kapantay ang Lady Altas at Lady Generals.

Sa men’s division, gaya ng Lady Stags, bumalikwas ang defending champion St. Benilde at bumalik sa ibabaw ng standings matapos ang straight sets win kontra sa Jose Rizal University at Arellano na nag-angat sa kanila sa barahang 5-0.

Samantala, sa juniors division, tinalo ng San Sebastian at pormal na pinatalsik ang dating kampeon na Arellano sa pamamagitan ng 17-21, 21-14, 15-6 tagumpay.

Dahil dito, pasok na sa Final Four ang Staglets kasama ng EAC Brigadiers at Perpetual Help Junior Altas na pawang may kartadang 5-1.

Subalit papasok na No. 1 ang EAC at No. 2 ang UPHSD sa bisa ng mas mataas na quotient habang ikaapat ang Lyceum na may barahang 3-3.