Maaaring makapagpalala lang sa sitwasyon kung maglulunsad ng all-out war ang gobyerno laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos ang brutal na pagpatay sa 44 commando ng Philippine National Police (PNP) sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang naging babala ni Vice President Jejomar C. Binay kasabay ng tagubilin na mga opisyal ng pamahalaang Aquino na alinmang kasunduang pangkapayapaan na papasukin nito ay dapat naayon sa umiiral na batas partikular sa Konstitusyon.

“I am hoping and praying that we can have lasting peace. Ang giyera, kailangan iwasan. Pagka-giyera, may namamatay. Pero, it must be peace with justice. Bastat tama lang. At saka ‘yong magiging kasunduan ay in consonance with our laws, particularly the Constitution,” pahayag ni Binay sa panayam matapos ang isinagawang mass wedding sa Mandaue ng Pag-IBIG.

Muling nanawagan ang Vice President sa pagbuo ng independent fact-finding commission na mag-iimbestiga sa insidente para maalis ang lahat ng hinala ng cover-up o pagtatakip sa tunay na resulta sa pagsisiyasat.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Ang dami-dami kasing mag-iimbestiga eh. Walo yata. Sana, ito sinasabi ko noon, sana magkaroon ng independent commission,”dugtong ni VP.

Samantala, kinontra din ni Binay ang panawagan sa pagbibitiw sa puwesto ni Pangulong Aquino.

“Ayoko naman. You know, I am the vice president. Alam n’yo naman na magka-candidate ako [for presidency in 2016]. Let us just wait. I am hoping and praying that the President will overcome this problem very soon,” giit ni Binay.