Aicelle

MAGANDA ang dahilan ng power belter ng GMA Artist Center na si Aicelle Santos kung bakit hindi pang-Valentine ang gagawin niyang Class A: Aicelle Santos in Concert” sa February 25, 7:00 PM sa Philippine Educational Theater Association (PETA), Quezon City, to be directed by Carlo Orosa.

“Ayaw ko pong makipagsabayan sa mga Valentine concerts kaya since sa February 24 ay birthday ko, ginawa ko na itong birthday concert,” nakangiting sabi ni Aicelle matapos kantahin ang new single niyang Kapangyarihan ng Pag-ibig bago ginanap ang presscon. “Malapit na pong mai-download ang single ko sa iTunes.”

Dahil na rin sa kinanta ni Aicelle, itinanong agad sa kanya kung ano ang tunay nilang relasyon ni Gian Magdangal. Matagal na kasi siyang inali-link sa stage actor/singer. At walang naniniwala na wala silang relasyon dahil noong mga unang staging ng musical na Rak of Aegis sa PETA last year, madalas na nakikitang nanonood si Gian pero umiiwas namang magpa-interview sa press na nakakasabay nitong manood.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Mentor-mentoran ko siya. Teatro boy kasi siya. Siya ang nagpaliwanag sa akin ng tungkol sa teatro, at nang kunin ako para gawin ang Katy, The Musical, madalas siyang nagbibigay ng mga notes sa akin, ‘ito ‘yung ganito, this part ganyan’.

“Good good friends lang po kami talaga ni Gian, siguro dahil sabay kaming pumasok sa SOP. Pero bago ‘yon, nagkasama na kami in 2006 sa Philippine Idol sa kabilang network. Mas napatatag lang ang friendship nang pareho na kaming nagteatro, nag-same vibe na siguro kami dahil sa trabaho. Walang ligawang nangyari.”

May intriga rin na siya ang dahilan ng break-up nina Gian at ng dati nitong karelasyon na si Sheree, may anak na lalaki ang dalawa.

“Nakarating po sa akin ang balitang iyon, pero hindi naman totoo, hindi ko rin nakausap si Sheree after that.”

Special guests ni Aicelle sa kanyang concert sina Regine Velasquez, Kyla, Gian at Ms. Celeste Legaspi. Para sa kanya, si Regine ang kanyang inspiration forever. Si Regine ang host ng Pinoy Pop Superstar talent search noon at kahit runner-up lamang siya ni Gerald Santos ay todo suporta ang Asia’s Songbird sa career niya.

Inamin ni Aicelle na mami-miss niya si Kyla na lagi niyang kasama noon sa Sunday noontime show ng GMA, ngayong lilipat na ito sa Kapamilya Network, kaya she’s looking forward sa duet nila sa concert. Si Celeste naman ay itinuturing niyang nagpasimula ng career niya sa teatro at nagpasalamat siya na tinanggap nito ang invitation niya to guest sa concert.

May trabaho sa Disneyland Hong Kong si Gian Magdangal, nagpe-perform doon, uuwi ba ito para lamang mag-guest sa concert niya?

“Pauwi-uwi po naman siya rito kaya sabi ko isabay na niya ang concert ko sa pag-uwi niya. Gusto ko rin pong makita niya how I will perform sa first major concert ko.”

Dating may grupo si Aicelle, ang La Diva, pero ngayon ay solo-solo na sila ng mga kasamang sina Jonalyn Viray at Maricris Garcia kaya nagkaroon ng isyu na may away silang tatlo, na nagkampihan sila ni Maricris laban kay Jonalyn.

“Personally, wala po naman akong anything against Jona, it’s just that siguro ‘yung La Diva days namin merong outside person na. I don’t wanna say na iyon ang dahilan, pero siguro hindi lamang nagkatugma-tugma yung mga kagustuhan namin sa buhay that time, siguro po iyon ang naging cause ng paghihiwa-hiwalay namin. Pero wish ko na pareho silang manood ng concert ko.”

Hindi lang sa teatro visible si Aicelle na ilang beses na ring gumanap sa soaps sa GMA-7. Ngayon ay co-managed na rin siya ng Stages Productions with GMA Artist Center, kaya tiyak na more stage plays pa ang gagawin ni Aicelle soon.

Sa June 19–21 at June 26–28, may run muli ang Rak of Aegis, 3:00 PM and 8:00 PM, sa PETA. Si Aicelle ang bida sa musical bilang si Aileen, kasama niya ang mag-asawang Robert Seña at Isay Alvarez at si Jerald Napoles. Nanalo si Aicelle sa Aliw Awards bilang Best Actress for a Musical sa Rak of Aegis na aniya ay iba ang inspirasyon ang ibinigay sa kanya para lalo niyang pagbutihin ang kanyang pagkanta.