Pitong estudyante ng high school ang biglang nagwala at pinaniniwalaang sinaniban ng espiritu sa Barili, Cebu.
Sinabi ng Barili Police na ipinag-pray over ng isang pari ang mga estudyante sa prayer room ng Sta. Ana Parish Church sa naturang lugar.
Malakas ang boses at matapang ang sigaw ng mga sinapiang estudyante nitong hapon ng Pebrero 11.
Ayon sa mga estudyante, sa kalagitnaan ng klase ay bigla na lang kumanta ang isa nilang kaklase at kasunod nito ay nanghina ang mga estudyante at nahirang huminga.
Hindi naman nakatulog ang pagdarasal para kumalma ang mga estudyante kaya agad silang isinugod sa ospital para maturukan ng pampakalma.
Isa sa mga estudyante ay dinala sa Mary’s Little Children Center, na pinamumunuan ng isang pari.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya sa guwardiya ng paaralan, maraming beses nang dinala sa faculty office ang ilang estudyante dahil sa panghihina matapos magsipagsuka.
Sa ngayon, wala pang resulta ang pagsusuri ng ospital sa mga estudyante, bagamat naniniwala ang mga doktor na posibleng dala ng labis na pagod, matinding
problema o depresyon ang biglang pagwawala ng mga estudyante.