BAYOMBONG, Nueva Vizcaya - Isang pitong taong gulang na lalaki ang namatay matapos makagat sa ulo ng isang aso na may rabies sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ayon sa mga magulang ng biktima, tatlong araw na ang nakalilipas nang makagat ang kanilang anak ng isang asong may rabies at kaagad nila itong dinala sa pagamutan at tinurukan ng anti-rabies.

Gayunman, bigla na lang umanong nanginig ang bata hanggang sa tuluyang binawian ng buhay kahapon.

Samantala, sa bayan ng Aritao ay ginagamot at inoobserbahan ngayon sa ospital ang siyam na lalaki na umano’y inatake at pinagkakagat ng asong ulo. Napaulat na naglalaway ang mga biktima at nagpakita ng matinding takot sa tubig.
National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya