Malaki ang posibilidad na makararanas ng malamig na Valentine’s Day sa Pilipinas.

Paliwanag ni weather forecaster Meno Mendoza ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil sa inaasahang paglakas na naman ng northeast monsoon o hanging amihan.

“Sa Pebrero 13 po, inaasahan nating babalik uli ito (amihan). Simula bukas kasi, mag-uumpisa uli sa Northern Luzon doon po ulit medyo lalakas, papuntang weekend,” pahayag ni Mendoza kahapon.

Sinabi niya na ligtas namang makakapalaot ang mga mangingisda dahil walang itinaas na gale warning.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Makararanas aniya ng mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley at mga lalawigan ng Aurora at Quezon habang asahan naman sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.