Muling isinulong ng Maynilad ang dagdag-singil sa tubig nang manalo sa arbitration proceeding, at nakapagsumite na ng utay-utay na taas-singil sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office.
Nabatid na mahigit P3 kada cubic meter ang itinaas sa singil dahil isinasama sa kwenta ang dalawang taong inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Iginiit ng MWSS na hindi pa maaaring magtaas ng singil ang Maynilad dahil hihintayin pa ng tanggapan ang desisyon ng arbitration proceeding sa Manila Water.
Panawagan naman ng grupong Water for All Refund Movement (WARM), hindi na dapat ipatupad ang dagdag-singil sa tubig.