Hinikiyat ng isang grupo ng overseas Filipino worker (OFW) ang gobyerno na imbestigahan ang isang Pinoy, na nahatulang makulong dahil sa illegal recruitment sa Pilipinas, na nambibiktima pa rin ng kanyang mga kababayan sa Spain.

Sa isang kalatas, sinabi ni Migrante International Chairman Garry Martinez na kasalukuyang nagtatago si Isidro Rodriguez sa Granada, Spain kung saan ang illegal recruitment operation nito halos isang taon matapos tumakas sa Pilipinas.

“We were able to communicate via email with one of his most recent victims, Kirsten Baculi, a domestic worker in Spain,” pahayag ni Martinez.

“She (Baculi) informed us that she met Rodriguez in Granada in October 2014. Along with five others, they were also duped by Rodriguez but unfortunately only learned about his cases and warrant of arrests in January 2015 through the Migrante website,” dagdag niya.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Unang sinentensiyahan si Rodriguez ng Manila Regional Trial Court si Rodriguez ng 11 taong pagkakakulong dahil sa illegal recruitment operations nito kung saan ang nabiktima ay mga Pinoy teacher na naghahanap ng trabaho sa US.

Bukod sa iba pang kaso ng illegal recruitment sa Pilipinas at US, nahaharap din sa mga kaso ng estafa si Rodriguez.

Noong 2014, pinalaya si Rodriguez mula sa piitan base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) subalit siya ay inilagay sa watchlist ng Bureau of Immigration dahil sa mga warrant of arrest na inilabas ng korte laban sa kanya.