DAVAO CITY— Inihayag kamakailan ng Mindanao Development Authority (MinDA) ang pagpasok ng mga bagong investment sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na naunang inanunsiyo ng Regional Board of Investments (RBOI) sa lugar.

Sa isang pahayag, sinabi ni MinDA chairperson Luwalhati Antonino na ang mga bagong pamumuhunan sa ARMM ay umabot na sa mahigit P863 milyon sa unang bahagi ng 2015.

“With the recent incident in Maguindanao, this is a welcome development which shows that business players are still bullish about Mindanao,” ani Antonino.

Sinabi niya na habang hinahanap natin ang katarungan sa nangyari sa Maguindanao, kailangang determinado rin tayong isulong ang kaunlaran.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kabilang sa mga bagong pamumuhunan ay ang P741.8-milyong nickel ore mining project sa Panglima Sugala sa probinsiya ng Tawi-Tawi at ang P121.21 milyong petroleum depot project sa pareho ring probinsiya.