Onsehan sa droga ang sinisilip na motibo sa pagpatay sa isang dalaga na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang bahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Diana Rose Lapiza, 27, naninirahan sa No. 50 Packweld Village, Barangay Marulas ng nasabing lungsod, na namatay sa tama ng mga bala ng cal. 45 sa mukha at kanang balikat nito.

Ayon sa report, bandang 4:30 ng hapon nanonood ng telebisyon ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang biglang pasukin ng suspek at pinagbabaril.

Lumalabas na kakilala ni Lapiza ang pumatay sa kanya dahil kabisado nito ang loob ng bahay.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

Ilan sa mga residente ang nagsabing sangkot sa illegal drug activities ang biktima at posibleng “nagkaonsehan sa bentahan ng droga kaya pinatay si Diana Rose.”