Pupulungin ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga kasapi ng binuong special team para tumutok sa imbestigasyon sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao, noong Enero 25.

Ayon kay De Lima, sa linggong ito ay pag-aaralan pa ng Department of Justice-National Bureau of Investigation (DoJ-NBI) special team kung kinakailangang magsagawa ng ocular inspection sa pinangyarihan ng bakbakan sa Barangay Tanukalao, Mamasapano, na ikinamatay ng 44 kasapi ng SAF.

Sa kasalukuyan, strict monitoring ang ginagawa ng special team sa nagaganap na imbestigasyon sa Senado at Kamara kaugnay ng insidente.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon