Inanunsiyo ng pamahalaang lungsod ng Caloocan na isasara ng dalawang araw ang Monumento Circle mula Pebrero 18 at 19, upang bigyan daan ang pagdiriwang ng Chinese New Year.

Sa mismong bantayog ni Gat. Andres Bonifacio sa Monumento Circle Caloocan City isasagawa ang Chinese New Year Countdown Concert at Fireworks Display.

Humingi ng paumanhin si Mayor Oscar Malapitan sa mga motorista na dumadaan sa nasabing lugar.

Ang Monumento Circle ay dinadaanan ng mga motorista patungong Edsa Quezon City, Rizal Avenue patungong Maynila, Samson Road patungong Navotas-Malabon, Mac Arthur Highway papuntang Valenzuela City hanggang Bulacan.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Inaasahan na ang pagsisikip ng trapiko sa mga sasakyan na dadaan sa nasabing mga lugar.

Ayon kay Gigi Munoz David ng Cultural Affairs and Tourism (CATO), ang pagdiriwang ng Chinese New Year ay bahagi ng selebrasyon ng 53rd Charter ng Caloocan City.

Sa Pebrero 18, sarado na ang Rizal Avenue at Edsa sa bahagi ng Bonifacio Circle, dito itatayo ang malaking entablado.

Magko-concert dito ang The Voice Kids champion Lyca at Darren, kasama sina Echong Dee, Mocha Girls, Siakol at Rocksteddy, bandang 6:00 ng gabi.

Pagsapit ng 12:00 ng hatinggabi, bibigyan daan ang 30 minutong fire works display bilang pagsalubong ng Chinese New Year.

Pagsapit ng 9:00 ng umaga (Pebrero 19), muling bubuksan ang mga isinarang lansangan para sa mga motorista.