Buhay pa sana ang 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) kung hundi nakialam sa operasyon ng nagbitiw na hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Director General Alan La Madrid Purisima sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ayon kay Senator Miriam Defensor-Santiago, si Purisima ang dapat sisihin sa pagkamatay ng mga pulis sa madugong engkuwentro Mamasapano, Maguindanao sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).

“Biruin mo, 44 ang namatay at kung hindi ka kasali doon siguro buhay pa sila. A suspended official is barred from performing functions of his office. You performed the function of your office albeit in a surreptitious manner. Nakialam ka,” ayon sa nanggagalaiting senadora.

Aminado rin si Santiago na sa ngayon, wala na ring saysay kung sino kina Purisima, Pangulong Aquino at dating PNP-SAF chief Director Getulio Napeñas ang may kasalanan sa palpak na operasyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Its useless, hindi naman na maibabalik ag buhay nila” ani Santiago sa pulong-balitaan.

Aniya, hindi na rin dapat manatili pa sa “White House” si Purisima dahil nga sa suspendido na ito at higit sa lahat ay hindi na dapat ito nakikialam pa sa operasyon ng pulisya magtapos na masupinde ito ng Office of the Ombudsman noong Disyembre 4, 2014.

“Normally, hindi di ka (Purisima) pupunta-punta sa office mo. Pero ikaw masyado kang busy, (Under) preventive suspension ka ah, marami kang kinakausap at tungkol pa naman sa police at military operations,” dagdag pa ni Santiago.

Tinawag din ni nito si Napeñas na inutil dahil sa kapalpakan sa operasyon, at sana raw ay huwag naman nitong akuin ang lahat ng kasalanan.

“You’re a failure. You’re incompetent. You cited intervening factors. The operation should have proceeded smoothly eh kayo nagpaplano,” dagdag pa ni Santiago, tungkol kay Napeñas.