AWARE kaya ang kilalang male TV host na kahit super close siya sa mga kaibigan niya ay naiirita ang mga ito sa ugali niya?

Tsika sa amin ng taga-TV network na kinabibilangan ng nasabing male TV host, “Hindi nakikinig sa payo ng mga kaibigan, ipipilit kung ano’ng magustuhan, parang siya na lang parati ang tama. ‘Tapos kapag pumalpak, mga kaibigan naman ang ginugulo.”

Mabait naman daw talaga si Male TV Host, matulungin sa mga kaibigang gusto niya, pero may kapalit daw dahil kapag siya ang humiling ay kailangan ‘yes’ kaagad ang sagot at may pagkadiktador dahik hindi puwedeng mag-‘no’ or else ikakalat daw niya ang lahat ng nagawa niyang tulong gayong hindi naman daw hiningi sa kanya.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Minsan nga raw kapag tumawag sa mga kaibigan niya si Male TV Host ay pinagtataguan na lang siya at sinasabing busy o may meeting o out of the country para makaiwas sa diskusyon.

In fairness, mahilig naman daw magnegosyo si male TV host, ang problema lang ay nakukulitan sa kanya ang mga ka-deal niya dahil sa paulit-ulit nitong gustong mangyari.

Sana raw ay magbago na ang ugali ni Male TV Host para hindi siya totally iwanan ng mga kaibigan niya dahil kahit siya ang pinakamayaman sa grupo ay hindi naman doon lang nasusukat ang pagkakaibigan.