German Moreno

KAHIT hindi pa lubusang magaling mula sa mild stroke ay sinimulan na muli ni German “Kuya Germs” Moreno ang pag-iikot sa labas ng kanyang bahay. Kailangan din naman kasi niya ang ilang minutong paglalakad.

Nakakapamasyal na rin siya, at sa katunayan ay nagtungo na siya uli sa DZMM headquarters.

Medyo nahihirapan pang lumakad nang diretso ang beteranong TV host pero kitang-kita naman sa kanya ang eagerness niya na gumaling agad at talagang gustung-gusto na niyang balikan ang showbiz work na nami-miss na niya nang husto.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Hindi rin naman pinabayaan si Kuya Germs ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya. Laging nakabantay sa tabi niya ang nag-iisang anak niyang si Federico Moreno at siyempre tutok na tutok ito sa mga bagay na ipinagbabawal pa ng doktor para sa ama.

Binisita rin ni Kuya Germs the other day ang DZMM radio pero gustuhin man niyang magsalita para sa mga tagahanga at mga tagasubaybay sa kanya ay pinagbawalan agad siya ng anak.