Kris & Bimby

MALAKING ang question mark sa tanong kung matutuloy ba ang pelikulang pagsasamahan nina Kris Aquino at Derek Ramsay na ipo-produce ng Star Cinema at Regal Films dahil base sa pahayag ng TV host/actress sa amin, “My priority now is Bimb (Bimby), babantayan ko siya sa shooting niya.”

Sandali naming nakatsikahan namin si Kris nitong Miyerkules ng gabi nang puntahan namin siya sa kanyang dressing room bago nagsimula ang Aquino & Abunda Tonight at kinumusta nga namin kung kailan sila mag-uumpisang mag-shooting ni Derek.

Nabanggit ng Queen of All Media na, “Siguro naloloka na naman sa akin si Tita Malou (Santos) kasi sabi ko sa kanya na, ‘Tita Malou, my priority now is to watch Bimb during his shooting’. ‘Tapos sabi ni Tita Malou, ‘okay’,” sabay tawa ni Kris.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Nakatakda kasing gumawa ng pelikula si Bimby sa Star Cinema at hindi pa sigurado si Kris sa playdate.

“Actually, Reggs, wala pang date, pero sure na gagawa si Bimb, siguro kung walang pambatang movie for the MMFF (Metro Manila Film Festival) sa December, may possibility na itong kay Bimb ang ipapasok, but not sure yet talaga,” sabi ng Queen of All Media sa amin.

Sino ang direktor?

“Actually wala pa rin, pero kung ako ang tatanungin, I want sana na parent din para mailabas niya at (alam kung) paano i-handle ang bata.”

Nabanggit sa amin nina Nancy Yabut at Louie Andrada

(executive producer at business unit head ng Aquino & Abunda Tonight respectively) na posibleng si Direk Joyce Bernal o si Direk Cathy Garcia Molina na parehong nanay na inayunan naman agad ni Kris.

“Sila (Star Cinema) pa rin naman ang magde-decide, ‘yun lang naman ang gusto ko sana,” aniya.

Sino ang makakasama ni Bimby sa unang solo movie niya?

“Ano, si (hindi maisip ang name), the girl sa Dream Dad?” at sabay sabi namin (Nancy at Louie) na si Jana ‘Baby’ Agoncillo.

“Yes, siya nga,” sabi ng proud mama ni Bimby.

In fairness, bagay sina Bimby at Jana or Baby, as in pareho silang witty, guwapo at maganda, puwedeng maging crush din ito ng anak ni Kris.

Tanong ulit namin kay Kris, anong movie ang gagawin niya ngayong taon?

“As of now, Reggee, ang priority ko is to take care of Bimb sa shooting niya kasi si Yaya Gerbel is getting married na in October so mawawalan na ng yaya si Bimb. Iyak nga ako nang iyak kasi di ba, eight years din, si Bimb nga malungkot.”

Baka naman pagkatapos ng kasal ay babalik na ulit sa work si Yaya Gerbel.

“Parang hindi, kasi gusto na niyang mag-baby kaagad kasi 31 (years old) na, eh,” sagot ni Kris.

Samantala, ngayong gabi ay magkakaroon ng anticipated mass at intimate dinner para sa pamilya at close friends ni Kris sa bahay nila para salubungin ang kaarawan niya. Bukas (Pebrero 14) ng madaling araw naman ay lilipad silang mag-iina patungong Japan. Magbabakasyon sila roon hanggang Pebrero 21.

Happy birthday, Kris!