AUBURN HILLS, Mich. (AP)– Gumawa si Danny Green ng 19 puntos habang nagdagdag si Tony Parker ng 17 upang tulungan ang San Antonio Spurs na pigilan ang Detroit Pistons, 104-87, kahapon.

Nag-ambag si Manu Ginobili ng 13 puntos para sa San Antonio, na napanalunan ang laro sa gitna ng kakaunting fanfare matapos makuha ni coach Gregg Popovich ang ika-1,000 panalo may dalawang araw na ang nakararaan.

Sumabak ang San Antonio sa tatlong sunod na road games at nanalo ng dalawa. Maglalaro ang Spurs sa anim pang road games matapos ang break.

''Great way to finish,'' sabi ni Parker. ''We wanted to do three for three, but couldn't hit a shot against Toronto. We'll take two and enjoy the break and make sure we're ready when we get back.''

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Napigilan ng Spurs ang Detroit sa 12 puntos sa first quarter at nahawakan ang kumportableng bentahe sa malaking bahagi ng second half.

''I don't usually give those guys a break after a loss, but we fought hard tonight. I thought we were just a step slow,'' saad ni Pistons coach Stan Van Gundy. ''They are tired right now. I don't know if we need six days, but we definitely need a break.''

Umiskor si D.J. Augustin ng 22 puntos para sa Pistons at nagdagdag si Kentavious Caldwell-Pope ng 20, ngunit talagang nagmukhang overmatched ang Detroit. Lumamang ang Spurs sa 48-39 sa halftime at pagkatapos ay nagkaroon ng 16-7 run sa pag-uumpisa ng third quarter.

Naging maganda ang pagdidepensa ng Spurs sa basket, nalimitahan ang big men ng Detroit na sina Andre Drummond at Greg Monroe sa 7-of-20 shooting. Ang Pistons ay 9-of-21 mula sa 3-point range, ngunit sila ay nagtapos sa ilalim ng kanilang season average na 25 attempts kada laro mula sa arko.

Isa sa 3-pointer ng Detroit na pumasok ay ang isang bato ni John Lucas III mula sa midcourt sa pagtatapos ng first half, ngunit sinagot ito ng San Antonio sa pamamagitan ng pagkuha ng pito sa unang walo nilang attempt sa third quarter.

Pinaglaruan ng Spurs ang Detroit sa nasabing period, impresibong pinagalaw ang bola sa opensa at 67 porsiyento mula sa field. Nagkaroon ang San Antonio ng 10 assists sa third quarter at 26 sa pagtatapos ng laro.

''They are a great team and they've been at this for a long time. They move the ball as well as anyone in the game,'' ani Van Gundy. ''Every guy on that roster loves to pass, and they not only want to do it, they are skilled at it. It's one thing to be willing, but it is tough when they are willing and skilled.''

Resulta ng ibang laro:

Orlando 89, New York 83

Boston 89, Atlanta 88

Toronto 95, Washington 93

Indiana 106, New Orleans 93

Cleveland 113, Miami 93

Sacramento 103, Milwaukee 111

Golden State 94, Minnesota 91

Oklahoma 105, Memphis 89

Dallas 87, Utah 82