Umatake na naman ang cocolisap o coconust scale insect (CSI) sa mga niyugan sa Camarines Sur.

Ayon sa Philippine Coconut Authority (PCA), ito ang dahilan ng pagbaba ng produksyon ng niyog sa lalawigan.

Partikular na tinukoy ng PCA ang Barangay Anib, Sipocot sa probinsya na sinalanta ng naturang peste.

Sinabi ng ahensya na napansin nila ang naging epekto ng cocolisap noong nakalipas na buwan.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sinabi ng mga magniniyog sa lugar na bukod sa lumiliit ang kanilang ani, hindi na rin masyadong lumalaki ang bunga ng niyog dahil sa peste.

Tiniyak ng PCA na mino-monitor nila ang mga lugar sa lalawigan sa posible pang tamaan cocolisap.

Matatandaang noong nakaraang taon, naglaan ang pamahalaan ng milyun-milyong pondo upang labanan ang peste.