JAEN, Nueva Ecija— Patay ang isang 55-anyos na dating pulis at chairman ng barangay nang ratratin ng hindi pa nakikilalang kalalakihan sa tapat ng barangay hall sa Bgy. Dampulan, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na ipinarating ng Jaen Police Station kay Sr. Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Director, kinilala ang biktima na si Herminigildo Eduardo Catacutan, may-asawa. Nagtamo siya ng maramingtama ng bala ng automatic rifle sa katawan.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Victor G. Dalusong, dakong 7:20 ng umaga, nag-uusap ang biktima at isang kaibigan nang biglang huminto ang isang SUV type vehicle na may plakang AQ-8603 sa tapat ng barangay hall at pinagbabaril ang biktima.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital si Eduardo.
National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador