E CARTOON FEB 13, 2015 copy

Chain of command. Palagian nating naririnig ang terminong ito sa isinasagawang imbestigasyon sa pagkakapaslang sa 44 commando ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP). Ito ang pagkakaayos ng kapangyarihan sa isang organisasyon kung kanino ito nakatalaga at ang magpapatupad.

Sa isang korporasyon, ang line of authority ay dumadaloy mula top management hanggang sa division chiefs, sa department, section, at unit heads. Sa Armed Forces of the Philippines (AFP), dumadaloy ito mula sa Commander-in-Chief – ang Pangulo – pababa sa Secretary of National Defense hanggang sa AFP Chief of Staff at sa iba’t ibang combat units.

Sa PNP, dumadaloy ito mula sa Pangulo hanggang sa Secretary of Interior and Local Government hanggang sa PNP chief at sa iba’t ibang operating units. Sa kanyang testimonya sa Kamara noong Miyerkules, sinabi ng nagbitiw na PNP Director General Alan Purisima na ang “line of command” ay isang termino ng militar na hindi ipinipilit PNP, sapagkat isang sibilyang organisasyon ito. Maaaring hindi gamitin ng PNP ang terminong ito ngunit tiyak namang sinusunod nito ang isang line of authority na kapareho rin naman, iba lang ang pangalan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa isinasagawang Mamasapano investigation, lumilitaw na ang line of authority na ito ay nilabag nang mag-utos (o nag-advice, na kanyang sinasabi) ang suspendidong PNP chief Purisima sa SAF chief, Director Getulio Napeñas, nang hindi dumaraan kay PNP Officer-in-Charge, Deputy Director General Leonardo Espina.

Dumadaloy pababa ang instructions sa isang chain of command, habang ang pananagutan ay dumadaloy pataas. Ang instructions para sa Mamasapano operation ay dapat na dumaloy pababa mula sa Pangulo patungo kay Espina na patungo kay Napeñas ngunit tinanggap ng huli ang buong responsibilidad sa pumalpak na operasyon, na nagpapawalang-sala sa Pangulo at Purisima. Kung tatanggapin man ito ng mga senador o ng publiko, ibang bagay na iyon.

Lumutang din ang chain of command kaugnay ng isa pang isyu – ang panukalang Bangsamoro Entity sa Mindanao. Sinabi ni Rep. Rufus Rodriquez, na ang House committee ang humahawak ng Bangsamoro bill, na kailangang magkaroon ng malinaw na chain of command – o police authority – mula sa Pangulo ng Pilipinas pababa sa PNP at sa Bangsamoro police.

Mahalaga na maging matibay ang pagkakatatag ng line of authority na ito. Ang Bangsamoro Region ay nananatiling bahagi ng Pilipinas at habang ang lokal na pamahalaan nito ay nasa ilalim ng national government, nasa ilalim ng PNP ang pulisya nito. Kailangang malinaw na nakatadhana ito sa Bangsamoro law, diin ni Congressman Rodriguez. Chain of command.