KALIBO, Aklan— Malubha ngayon ang apat na taong gulang na batang lalaki matapos siyang ihampas sa sementadong sahig ng kanyang ama.

Ayon kay Martchelle Hinayas, 29, ina ng bata, tubong Malinao, Aklan, sinumpong ng pagkabaliw ang kanyang asawa dahilan para magawa niya ito sa kanilang anak.

Kaagad namang naaresto ng awtoridad ang suspek at nakatakdang kasuhan.

Isinugod ang bata sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital sa Kalibo at makalipas ang ilang oras ay inilipat ito sa isang ospital sa lungsod ng Iloilo para maipagpatuloy ang pagpapagamot.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Humihingi ngayon ng tulong ang ina ng bata sa mga kamag-anak ng suspek sa lalawigan ng Cebu para sa pagpapagamot ng biktima.