Andi Eigenmann

SA halos tatlong taong pananahimik ni Albie Casiño, nagsalita na rin siya sa wakas tungkol sa ‘di mamatay-matay na isyu tungkol sa pagiging tatay niya kay Baby Ellie, ang anak ni Andi Eigenmann.

Sa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol, nabanggit ng Kapatid actor na wala na siyang sama ng loob kay Andi and in fact may communication naman daw sila kahit nagkaroon sila ng isyu dati.

“We’re civil,” sabi ng 21 year-old actor “It’s been going on for so long. It’s not doing any good to anyone to be mad at each other, so what’s the point?” ani Albie.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Gaya nang dati na niyang ipinupunto, kailangan munang ipa-DNA test ang bata para makasiguro siya kung sino talaga ang nakabuntis kay Andi.

‘Yun nga lang, mukhang dedma si Andi sa challenge ni Albie. Nag-offer na si Albie at pamilya nito na i-DNA si Ellie, pero todo-tanggi ang sexy star.

Tuloy, kahit nananahimik ang magkabilang kampo (Albie at Andi), ay hindi pa rin natutuldukan ang isyu sa paternity issue with Albie hangga’t walang DNA testing.

Pista rin tuloy ang nga espekulasyon sa social media at lalo na sa showbiz circle. May mga haka-haka pa na baka natatakot si Andi na maungkat pa ang ilang “behind-the-scenes’ o ang pribado nitong buhay. May nagsasabi naman na ‘tila ginugusto na rin nina Albie at Andi na mapag-usapan ang lahat para sa sariling kapakanan o para may publicity.

Pero sey naman ng ilang netizens, bakit nga ba ayaw sa simpleng pagpapa-DNA test ng anak si Andi? Ayaw ba niyang matahimik ang isyu at mag-move-on na sila pareho?

Natatakot daw ba si Andi na pagkatapos pagbintangan si Albie na siyang tatay ng anak ay lalabas ang katotohanang mali pala ang kanyang pinagsuspetsahan?

May punto naman ang iba pa kung bakit ‘di rin hamunin ni Jake Ejercito ng DNA si Andi at nang magkaalaman na kung sino ba talaga ang ama ng bata?