Pebrero 13, 2001 nang simulan ang isang kaso ng acquired immune deficiency syndrome (AIDS) sa Glasgow sa Scotland, nilitis si Stephen Kelly, 33, matapos nitong sadyang hawahan ang isang babae ng human immunodeficiency virus (HIV).

Kinasuhan si Kelly matapos niyang makipagtalik nang walang proteksiyon sa kanyang dating nobya, kahit na alam niyang siya ay positibo sa HIV. Nahawa siya sa bilangguan matapos siyang makihati ng karayom para magturokan ng heroin. Ayon sa kanyang nabiktima, itinanggi ni Kelly na siya ay may impeksiyon hanggang sa makaramdam na ng panghihina ang babae at sa pagpapasuri ng dugo at nadiskubreng may HIV na ito kaya tuluyan nang inamin ni Kelly ang kanyang kondisyon. Makalipas ang siyam na araw na paglilitis, napatunayang si Kelly ay “culpable and reckless” at sinentensiyahan ng limang taong pagkakakulong.

Gayunman, sinabi ng mga nangangampanya laban sa AIDS na ang nangyaring paglilitis ay maaaring makapigil sa mga may HIV na aminin ang kanilang kalagayan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists