Mahigit 6,000 sibilyan ang nagsilikas habang apektado ang pag-aaral ng mga estudyante sa naganap na engkuwentro ng pulisya at mga puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na ikinamatay ng 44 tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

Base sa sarili nilang imbestigasyon, sinabi ni ARMM Governor Mujiv Hataman, ang mga blocking force ng PNP Special Action Force (SAF) ang nakasagupa ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Hindi naman masabing ni Hataman kung mga miyembro ng MILF ang siyang nakasagupa ng main force PNP- SAF na pumasok ito sa kubo ni Zulkifli Bin Hir, alyas “Marwan,” kung saan napatay ang Malaysian bomb expert.

Ang naturang lugar ang pugad din ng MILF at BIFF at mga private armed group ng sumiklab ang labanan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod sa 44 commando, kinuwento pa ni Hataman, na tatlong sibilyan ang namatay sa nasabing labanan, habang nasa 18 naman sa MILF habang 44 sa PNP-SAF.