Hiningan ng paliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 16 mula sa 60 supermarket sa Metro Manila na nagbebenta ng ilang bilihin na mas mataas ang presyo kaysa suggested retail price (SRP).

Kamakalawa nag-inspeksyon ang mga opisyal ng DTI sa mga supermarket sa Kamaynilaan at nadiskubreng mataas ng 50 sentimos hanggang P8 ang presyo ng ilang produkto tulad ng gatas, de-lata, kape, noodles, sabong panlaba at iba pa.

Ayon kay DTI Undersecretary Victorio Dimagiba, ang huling big-time oil price hike ay hindi dapat agad na nakaapekto sa presyo ng mga bilihin dahil sa mga nakalipas na buwan ay tuluy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel sa bansa na dapat na ikonsidera.

Nilinaw ng DTI ang epekto ng malaking price rollback sa petrolyo ay mas mababa pa dapat ang presyo ng mga bilihin na sinimulang ihirit ng ahensiya sa mga manufacturer at negosyante sa bansa noong 2014.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi aniya makatarungan ang agad na pagpasa sa mga mamimili dahil lamang sa biglang pagtaas ng malaki sa presyo ng produktong petrolyo noong Martes.