Paul at Toni

HANGGANG maaari ay ayaw munang magkomento ni Mommy Pinty hinggil sa sinasabi ng iba na dapat daw ay may pre-nuptial agreement ang anak niyang si Toni Gonzaga at si Direk Paul Soriano.

Common knowledge na simula nang pumasok sa showbiz si Toni ay ang kanyang ina na ang may hawak ng mga kinikita niya. Si Mommy Pinty ang financial officer nila ni Alex Gonzaga.

Sey pa ni Mommy, maingat siya sa paghawak ng mga kinikita ng mga anak niya. Ipinagmamalaki niya na sa pagtatanung-tanong daw niya ay maaaring si Toni ang pinakamayamang aktres sa mga kapanabayan niya.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Binanggit pa niya sa amin ang ilang properties na naipundar ni Mommy Pinty para kay Toni mula sa mga kinikita ng aktres sa mga ginawang pelikula, telebisyon shows at pati na ang mga shows ng aktres here and abroad.

Bukod sa mga binanggit niya ay nakabili na rin si Mommy Pinty mula sa kinita ni Toni ng isang malawak na commercial lot na kung papatayuan ng isang building o establishment ay magbubuhay reyna na si Toni hangang sa pagtanda nito.

May malaking pera rin sa bangko si Toni dahil na rin sa pagmamaniobra ni Mommy Pinty sa earnings ng kanyang panganay.

Willing na rin si Mommy Pinty na ipaubaya kay Toni ang mga kinita ng aktres sa sandaling kailangan na nitong kunin ito sa kanya.

Samantala, sa isang panayam sa fiance ni Toni na si Direk Paul Soriano, binanggit ng direktor na hindi niya kailangan ang kayamanan ng aktres.

Gusto niyang magsimula na silang dalawa lang at sabay daw nilang pagsusumikapan na bumuo ng kanilang pamilya.

Pero sa tanong kung magkakaroon nga ng pirmahan ng pre-nuptial agreement sina Toni at Direk Paul, isang makahulugang ngiti lang ang isinagot ni Mommy Pinty.