Nagkasundo ang mga Senador at pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi na isasama ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa mga sisingilin ng terminal fees sa mga paliparan ng bansa.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, hihintayin na lamang nila ang paglabas ng computer na hindi na kabilang ang terminal fee sa plane ticket ng mga OFW.

Tiniyak ni MIAA General Manager Jose Angel Honrado na isususulong nila sa stakeholder lalo na ang mga may-ari ng mga airlines ang napagkasunduan nila ng Senado.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon