Pinalawak pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paghahanap sa mga taxpayer sa gitna at katimugang bahagi ng Luzon, na tinaguriang “no permanent address (NPA),” na may pagkakautang sa gobyerno ng mahigit sa P12 bilyon.

Ito ay matapos bumuo si BIR Commissioner Kim S. Jacinto ng grupo ng mga seizure agent sa superbisyon ng Arrears Management Team (AMT) na itatalaga sa mga regional office sa San Pablo City at San Fernando City upang hanapin ang mga delingkuwenteng taxpayer.

Nagdesisyon ang BIR chief na palawakin ang paghahanap sa mga delingkuwenteng taxpayer, na opisyal na binansagan ng tanggapan bilang “cannot-be-located” base sa nakolektang buwis ng AMT sa Metro Manila.

Ang target na makolekta ng BIR ay bahagi ng mahigit sa P296 bilyong delinquent account na hindi nakokolekta ng ahensiya sa mga nakaraang dekada.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aminado ang mga revenue official na malaking halaga ng hindi nakokolektang buwis ay mula sa mga taxpayer na pumanaw na, nangibang-bansa o nabangkarote sa kanilang negosyo.

Itinatag ni Henares ang AMT upang tumutok sa mga indibidwal at establisimiyento na nagtatago sa BIR upang makaiwas sa pagbayad ng tamang buwis.