Sharon Cuneta

KUMPIRMADONG babalik ng ABS-CBN si Ms. Sharon Cuneta kaya nagbabawas siya ng timbang.

Noong nakaraang taon pa naibulong sa amin ito ng aming espiya sa Dos pero hindi namin binigyan ng pansin dahil excited kami noon sa biyahe namin sa Amerika.

Anyway, nirebisa namin ang isyung ito nang banggitin sa amin ng aming kaibigan na babalik na ng ABS-CBN ang megastar.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Charo Santos-Concio

Ang buong kuwento ng aming source noong nakaraang taon, Bossing DMB ay nagkausap sina Sharon at ABS-CBN CEO/President Ms. Charo Santos-Concio sa wake ni Mommy Elaine Cuneta at nagkumustahan.

Sa pagkukumustahan, tinanong raw ng big boss ng ABS-CBN kung may plano pang mag-showbiz ang megastar na umamin namang gustung-gusto pa nga.

Kaya ang naging usapan daw nina Ma’am Charo at Sharon ay magpapayat ang huli at bibigyan siya ng magagandang projects na gusto ng TV host/actress.

Kailangan daw ay bongga ang pagbabalik ni Sharon kaya naman sagad-sagaran ngayon ang pagbabawas ng timbang ng megastar.

Hindi rin daw ikinaila ng mama ni KC Concepcion na nami-miss niyang umarte at kumanta kaya isa sa plano ng ABS-CBN management ay bigyan ng musical variety show si Mega.

Gusto ring balikan ni Sharon ang recording dahil miss na miss na raw niyang kumanta talaga kaya habang on the works pa ang projects niya sa ABS-CBN ay baka unahin muna niya ang recording.

Malaki na raw ang ibinawas ng timbang ni Sharon na makikita naman sa ilang nai-post na litrato niyang kuha sa baby shower ng pinsan niyang si Ciara Sotto.

Samantala, dagdag kuwento pa ng aming source, “Hindi mo napapansin, halos lahat ng mga nawalang artista na nagkaroon ng isyu sa ABS-CBN ay isa-isa ng pinababalik ni Ma’am Charo?

“Like Derek Ramsay, ‘kita mo nga, on-going na ang shooting ng movie niya under the direction of Toto Natividad, Crocodile Hunting ang working title. Kung baga, umpisa na ito sa movie project niya, sa TV project kasi nag-renew siya sa TV5.

“‘Tapos, heto si Sharon, and hinihintay na lang si Aga (Muhlach) na nagpapayat din para sa movie with Lea (Salonga).

“Lahat ng big stars ng ABS-CBN na lumipat sa ibang network ay bumabalik na, siguro gusto ni Ma’am Charo bago siya magretiro, balik-ABS-CBN na lahat ng artistang nag-umpisa o nakilala sa kanila.”

Kung ganito nga ang plano ni Ms. Charo ay magandang alaala ang maiiwanan niya.