SUBIC BAY, Olongapo City- May bagong kapareha, nag-adjust sa kanilang reception at depensa ang reigning MVP na si Gretchel Soltones at ang katambal na si Camile Uy upang makamit ang 21-11, 21-9 panalo kontra sa Mapua sa pagsisimula ng kanilang title retention bid sa women’ s division sa pagbubukas kahapon ng NCAA Season 90 beach volleyball tournament dito sa Boardwalk.

“Medyo nahirapan po kami kasi first time Lang namin na naging magpartner at saka wala talaga kaming training sa sand court,” pahayag ni Soltones.

Ayon pa sa 19-anyos na Bussiness Management student na tubong Cebu, halos isang buwan lamang silang nakapagsanay sa indoor court ng San Sebastian para sa torneo.

Gayunman, lumutang pa rin ang dalawang taon niyang karanasan para sa Lady Stags sa beach volleyball para pataubin ang Lady Cardinals pair nina Camille dela Pena at Debbie Dultra.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Susunod na makakalaban ng Lady Stags, habang isinasara ang pahinang ito ay ang Jose Rizal University (JRU).