URDANETA CITY, Pangasinan - Iminungkahi ng dating kongresista na si Mark Cojuangco na pag-aralang mabuti ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang usapin sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) at hindi basta makikinig sa dikta ng contractor.

Ang panawagan ni Cojuangco ay kasunod ng pagkontra ni Benguet Rep. Ronald Cosalan, chairman ng House Committee on Public Works, at ni Baguio City Rep. Nicasio Aliping Jr. sa usapin ng re-routing sa TPLEX.

Sinabi ni Cojuangco na ang akusasyon na may karagdagang P1 bilyon na gagastusin sa re-routing ay mas kapaki-pakinabang sa nabanggit na proyekto kaya hinikayat niya ang DPWH na pag-aralang mabuti ang panukalang re-routing.

Ayon kay Cojuangco, ang panukala na inihain may limang taon na ang nakalipas ay dati nang kinatigan ng mga kongresista.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang,lumagda sa resolusyon ang mga Sangguniang Bayan ng Sison at Pozzorubio, maging ang mga pamahalaang panglalawigan ng Pangasinan, La Union, gayundin ang 20 kongresista ng Pangasinan, Tarlac, Ilocos Sur, La Union, Ilocos Norte, Ifugao, Abra, Baguio at Benguet, kabilang si Cosalan, para suportahan at iendorso sa DPWH ang planong rerouting dahil mas diretso ang ruta at makababawas pa sa oras ng biyahe.

Nakasaad din sa posisyon ng mga kongresista, na may petsang Mayo 11, 2011, na ang re-routing ay mas kapaki-pakinabang at may malawak na access sa komunidad.

“The new route also provides for a more scenic drive with elavated vistas of Western Panagsinan and Lingayen Gulf going south, the coastal areas of La Union and South China Sea going north. This will be a boost to our tourism and it will promote a greater appreciation by foreigners and all country’s beauty,” saad sa pirmadong resolusyon.

Sinabi pa ni Cojuangco na ang disenyo ng ruta ng TPLEX ay “defective”.

“The route design of TPLEX is defective in that no public consultations on it were ever held. Maybe a non-issue in Central Luzon which has huge tracts of flat land, but definitely an issue in Sison which has small arable area and is naturally divided by rivers, hills and even the MNR,” ani Cojuangco.

“It is unfortunate that those in authority could not be broadminded enough to see that benefits do not have to come at a huge cost to local communities,” dagdag pa ni Cojuangco.