Mamamahagi ng libreng candy ang mga pro-life group sa Valentine’s Day upang ipadama ang tunay na diwa ng pag-ibig, partikular sa kabataan.

Kasabay nito, binatikos din ni Ana Cosio, ng Filipinos for Life, kung paano sinabotahe ng mga secularist ang kapistahan ng St. Valentine of Rome dahil sa kanilang isinusulong na paggamit ng contraceptive.

“As we all know, contraception advocates also give away free condoms on Valentine’s Day every year to promote sex, but not love,” ipinaskil ni Cosio sa CBCP News.

“On the contrary, what we, young people, want to promote is true love—the kind that is patient, kind, gentle, and everything else written about it in 1 Corinthians 13!” dagdag ni Cosio.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nakasaad sa 13:4 of 1 Corinthians: “Love is patient, love is kind. It is not jealous, [love] is not pompous, it is not inflated, it is not rude, it does not seek its own interests, it is not quick-tempered, it does not brood over injury, it does not rejoice over wrongdoing but rejoices with the truth. It bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.”

Inaasahang makikipagsanib-puwersa ang Filipinos for Life sa iba pang grupong kumokontra sa artificial contraception tulad ng Love+Life Philippines, Youth Pinoy at Pro-Life Philippines base sa kanilang kampanyang “Keeping the Love Real.”

Ayon kay Cosio, ang mga nais sumuporta sa WeKeepLoveReal campaign ay maaaring magboluntaryo sa pagre-repack ng mga candy sa Pro-Life Philippines Foundation, Inc. sa 70 Main Horseshoe drive, Horseshoe Village, Quezon City simula Pebrero 11-13.

Tumatanggap din ang grupo ng mga candy bilang donasyon sa tanggapan ng Pro-Life Philippines.

Mamamahagi ang Pro-Life ng libreng candy sa Pebrero 14, Valentine’s Day, sa Dangwa at sa University Belt sa Maynila.