Pokwang

PABOR na pabor ang anak na dalaga ni Pokwang sa relasyon ng komedyana sa dayuhang aktor na si Lee O’Brien na katambal ng komedyana sa pelikulang Edsa Woolworth.

Kinumpirma na kasi ni Pokwang na mag-iisang buwan na niyang boyfriend si Lee.

Ayun kay Pokie, bago siya umamin sa publiko tungkol sa relasyon nila ni Lee ay kinausap muna niya nang masinsinan ang anak at inamin dito na naging karelasyon na niya ang dayuhan since last January 20.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Pero medyo nahirapan daw siyang sabihin sa anak na si Mae ang tungkol sa relasyon nila ni Lee. Matalino naman daw ang anak niya and more or less ay may alam na naman ito tungkol sa bagay na iyon.

“Sa totoo lang, medyo nahirapan talaga ako sa bagets pero ‘yun pala, eh, nakakaramdam na rin siya. Kumbaga, pakiramdam ko, eh, hinihintay lang naman niyang magsabi ako sa kanya, okey lang naman sa kanya yun,” kuwento ni Pokwang.

Pinayuhan daw agad siya ng anak niya na huwag maging tanga.

“Alam mo ‘yan, eh, siyempre, gusto niyang makita akong happy. In fairness, nakita naman niyang masaya ako. ‘Tapos sabi ko sa kanya, huwag siyang mag-alala, kasi hindi ko rin naman pababayaan ang tuition niya,” napatawang banggit pa ni Pokwang.

Pagkatapos ng premiere night ng pelikula nilang Edsa Woolworth sila nagkaalaman ni Lee sa tunay nilang nararamdaman sa isa’t isa.

“First day pa lang, meron na raw siyang naramdaman. Kaya sabi ko sa kanya, eh, ano, tayo na? ‘Tapos hinalikan niya ako, sabi niya gusto niya ako. So ‘yun lang, masaya siya ‘pag nakikita raw niya ako at siyempre kapag magkasama kami,” kuwento pa rin ng aktres at komedyana. Muling babalik sa bansa si Lee sa April para magbakasyon ng dalawang linggo.