Ipinagliban ng Quezon City Regional Trial Court sa Abril 15 ang pagdinig sa kasong kidnapping laban sa mag-asawang NDFP peace consultants Wilma Austria at Benito Tiamzon.

Hindi itinuloy ang pre trial hearing sa kaso noong Martes sa Kampo Krame pero dahil hindi naiprisinta ng prosekusyon ang complainants at witnesses nito dulot daw ng kalayuan, pasahe at security constraints, pansamantalang ipinagpaliban ng korte ang pagdinig sa kaso.

Dating dinidinig ang kaso ng mag-asawa sa Quezon City Hall of Justice pero dahil sa naaprubahan ng Korte Suprema ang naisampang mosyon ni Executive Judge Fernando T. Sagun hinggil dito ay pinayagan na gawin na lamang ang pagdinig sa Kampo Krame. Idinahilan ni Sagun ang naganap na kilos protesta ng libong magsasaka sa Quezon City Hall of Justice noong Oktubre 17, 2014 nang isailalim sa arraignment doon ang mag-asawang Tiamzon.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente