Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang National Commission on Culture and the Arts (NCCA) kaugnay ng ipinalabas nitong cease and desist order laban sa itinatayong condominium building na Torre De Manila.

Sa summary na ipinalabas ng Supreme Court-Public Information Office (SC-PIO), 10 araw ang ibinigay ng Kataas-taasang Hukuman sa NCCA para magsumite ng paliwanag.

Ang NCCA ay intervenor-respondent sa kasong isinampa ng Knights of Rizal laban sa DMCI Homes Incorporated. Tinukoy dito na nilalabag ng konstruksyon ng gusali ang Republic Act 4846 o Cultural Properties Preservation and Protection Act at ang Republic Act 100-66 o National Cultural Heritage Act of 2009 na nagtatakda ng proteksyon sa mga National Cultural Heritage.

Nang dahil daw kasi sa Torre De Manila, panghabambuhay nang masisira ang view ng Rizal Monument sa Luneta Park na itinuturing na mahalagang landmark sa bansa.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Idinagdag pa ng grupo na labag din ang konstruksyon sa Manila Zoning Ordinance.