SOBRA ang pasasalamat ni Manolo Pedrosa sa magandang exposure na nakukuha niya sa serye nilang Oh My G!. Kahit baguhan pa lang daw siya sa showbiz ay marami na ang nakakakilala sa kanya.

Manolo PedrosaTuwang-tuwa rin si Manolo sa sunud-sunod na proyektong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN. Siyempre, kasama na rito out of town shows.

Kasama si Manolo sa Oh My G! bilang katambal ni Janella Salvador.

Kasama rin siya sa Star Versus Me na si Maris Racal naman ang leading lady niya. Kaya dalawa agad ang ka-love team niya!

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

“Suwerte lang po talaga kasi dalawa ang ka-love team ko. I feel blessed na may opportunity to work with Janella and Maris. Ako naman po kasi, eh, I just go with the flow,” sey ng guwapong binatilyo.

Mas close si Manolo kay Maris kaysa kay Janella.

“Si Maris po kasi, eh, kasama ko na siya dati pa sa Pinoy Big Brother, kumbaga, mas kilalang kilala ko na siya. Mas maraming mga pagkakataon na kaming nakapag-bonding ni Maris. Si Janella naman,eh, nagkakilala lang kami nang ginawa namin ang MMK,” banggit ni Manolo.

Ilang taping days pa lang sila nagkakasama ni Janella sa Oh My G! kaya hindi pa rin siya ganoon kalapit sa leading lady niya

“Wala pa kaming gaanong bonding time ni Janella. Kay Maris kasi, sobrang comfortable na po kami with each other, parang pakiramdam ko, eh, walang masyadong effort ‘pag kaming dalawa ang magkakasama,” dugtong ng tsinitong bagets.