Labinlima katao ang nasugatan isa na rito ang agaw-buhay makaraang malapnos ang buong katawan makaraang sumabog ang gas stove sa loob ng food park ng Cebu Technological University (CTU) sa lalawigan ng Cebu kamakawa ng hapon.

Kabilang ang siyam na estudyante ng CTU sa nasugatan na nasa maayos na kalagayan, ayon sa awtoridad.

Sinabi ni SFO1 Tristan Tadatada, ng Cebu City Bureau of Fire Protection (BFP), nagluluto ang may-ari ng isang tindahan nang biglang sumabog ang gas stove at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing tindahan.

Kabilang sa mga sugatan ay sina Arenato Catarongan, 41; Fibua Lauron, 35; Jelly Ann Dedicatoria, 17; Jenelyn Tuburan, 15, at Janice Tabar, 40, gayundin ang siyam na estudyante at isang administrative officer ng CTU.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Dr. Rogelio Villamor ng nasabing unibersidad, ligtas na ang kondisyon ng mga estudyante maliban sa isang mag-aaral na nananatili pa rin sa pagamutan na nakararanas pa rin ng matinding pagkahilo dahil sa makapal na usok.

Aaabot sa sampung tindahan ang naabo at dalawang iba pa bahagyang nasira sa nasabing sunog.

Sa ngayon patuloy pang ang imbestigasyon ng BFP hinggil sa insidente.