No news is good news” – anang kasabihan. At buong kaangkupan itong lumalapat sa Ebola epidemic na noong maraming buwan ng nakaraang taon nabalutan ng takot ang buong mundo.

Sa tatlong bansa sa West Africa, ang Liberia, Guinea, at Sierra Leone, sumirit ang bilang ng mga kaso sa mahigit 100,000 noong Oktubre, na may 6,000 patay. Ang ilang Westerner na nagkaroon ng kontak sa mga biktima ay nangamatay na rin matapos magsiuwi sa kani-kanilang bansa.

Mauunawaan ang pangamba ng Pilipinas simula nang magdatingan ang ilan nating kababayan mula sa West Africa. Mahigit sandaang Pilipino na miyembro ng United Nations Peacekeeping Mission sa Liberia ay kinailangang ibukod sa loob ng 21 araw sa ilalim ng quarantine protocols na pinagkasunduan sa UN World Health Organization. Nagsimula ring magdatingan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) para sa Pasko. Handa ang Department of Health sa mga itinalagang mga quarantine center kasama ang mga ospital na kumpleto sa kasangkapan kung sakaling may makadebelop ng sintomas ng Ebola.

Sa loob ng maraming linggo, walang naiulat tungkol sa Ebola sa ating bansa. Ang mga UN Peacekeeper na naka-confine sa Caballo Island sa bokana ng Manila Bay ay nakauwi na sa kani-kanilang pamilya at kani-kanilang unit. Wala namang naiulat tungkol sa lahat ng OFW na na-isolate noong panahon ng Pasko.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa huling ulat mula abroad, bumababa na ang bilang ng mga kaso ng Ebola sa tatlong naturang bansa. Tumaas ang death toll sa halos 9,000, ayon kay UN Ebola coordinator David Nabarro, nunit ang bilang ng mga bagong kaso ay bumababa nang lingguhan. Ang Liberia, kung saan minsang naitalaga ang ating UN Peacekeepers, ay umaasa na wala nang bagong kaso sa susunod na buwan.

Inamin ng WHO na ang hakbang nito laban sa epidemiya ay hindi sapat. Nagawang kumalat ng sakit dahil walang sapat na pasilidad sa mga ospital sa tatlong bansa sa West Africa at mabagal ang pagdating ng ayuda mula sa iba’t ibang bansa. May mga bagong panukala na ngayon na magtayo ng isang African institution na kahalintulad ng US Centers for Disease Control and Prevention.

Sa Pilipinas naman, napatunayan ng Department of Health na mayroon silang kakayahan para sa trabahong ito. At nananatili tayong handa. Kung sakali mang sumirit uli ang Ebola o anumang viral disease saan man sa mundo, marami na tayong natutuhan mula sa ating karanasan sa Ebola at buo ang ating kahandaan sa pagharap sa bagong banta.