Cesar at Sunshine at mga anak

MAY lumabas na isyu na galit na galit daw si Cesar Monano sa dating asawa niyang si Sunshine Cruz dahil sa inilabas daw na eskandalo ng huli na nadamay ang tatlong anak nila.

Hindi raw nagustuhan ni Cesar ang kabastusang ibinibintang sa kanya. Ayon pa raw sa aktor ay hindi niya makakayang gawin ‘yun. Iniiwasan daw ni Cesar na magkakasiraan sila ng dating asawa sa publiko pero kumukonsulta na raw ang action star sa kanyang abogado.

Hindi naman nagustuhan ng isang taong malapit na malapit kay Sunshine ang patutsada raw ni Cesar. Kaya ganoon na lang ang mga binanggit niyang mga hinaing daw mismo ng aktres.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

“Siya pa ang may ganang magalit? Bakit naman susulsulan ni Shine ang mga kids? Napaka-delicate at masagwa ang pangyayari para ituro ‘yun sa mga bata. Kawawa naman ang mga anak nila pero sa palagay ko, hindi sinungaling ang mga anak nila,” sey ng source namin.

Dagdag pa rin ng source, kahit kausapin pa raw ng korte ang tatlong anak na babae nina Shine at Cesar ay katotohanan ang sasabihin ng mga ito. Dagdag pa ng kausap namin, hindi naibibigay ng aktor ang sapat na suporta sa mga bata na iniutos ng korte.

Ayun pa sa source namin, kung tutuusin, kung gusto ni Sunshine na maghabol para sa conjugal properties ay kaya raw namang ipaglaban ng aktres pero hindi na ito naghabol.

Sey pa raw ng aktres, hanggang maaari ay gusto nitong manahimik ang mga anak nila at hindi na madadamay sa kaso nilang mag-asawa.

“Unfortunately, nadamay sila pero ‘wag naman sanang palabasin na kaya ako nagsampa ng kaso, eh, naghahabol ako sa properties ni Cesar. Alam ni Cesar ang totoo,” sey pa raw ng aktres sa informant namin.

Sa pagkakaalam din ng source, ang properties na tinutukoy ng kampo ni Cesar ay napag-usapan na nilang dating mag-asawa noong mediation nika last year. Ang gusto lang daw ibigay ni Cesar sa mag-iina ay ang isang bahay na hindi na gaanong maayos sa Scout Rallos.

“Sa pagkakaalam ko, eh, ang daming properties ni Cesar, may farm sa Bulacan, sa Zambales, P50M worth na bahay sa Tivoli Royale at may mga luxury cars pa,” sey pa ng source namin.

Umaayon na raw naman si Sunshine na ang bahay sa Scout Rallos ang mapupunta sa kanya at pati na ang lote sa Antipolo.

“’Yung conjugal house nilang mag-asawa, sabi pa ni Sunshine at pati na ang properties sa Bohol at mga luxury cars, ay wala na siyang pakialam. Humiling lang ang aktres ng isang second hand van bilang kapalit sa karag-karag na van na pinahiram sa kanila ni Cesar,” sey pa rin ng kausap namin.

Pero ipinagdiinan pa raw ni Cesar na hindi niya kaya ang hiniling ni Sunshine. May mga binanggit pa sa amin ang source namin bilang patunay sa isinampang reklamo ng aktres sa dating asawa pero hindi na lang namin isinulat dahil medyo may maselan nang pag-usapan pa.