BATANGAS CITY - Nagdulot ng matinding trapiko sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway ang pagbangga ng isang bus sa gilid ng tulay at concrete barrier na ikinasugat ng driver at anim na pasahero nito noong Martes ng gabi.

Lasing umano ang driver ng bus na si Conrado Dela Rosa, 58, nang mangyari ang aksidente.

Sugatan naman ang mga pasaherong sina Aser Hernandez, 28; Jobert Dela Cruz, 20; Renzon Rivera, 19; Mary Anne Chavez, 27; Maria Danica Alulod, 19; at Fruline Adelia, 25 anyos.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:30 ng gabi, binabagtas ng RRCG bus (UVT-158) ang highway nang bumangga ito sa gilid ng Sabang Bridge at concrete barriers sa sakop ng Barangay Tingga Itaas.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Humarang umano ang bus sa kalsada kaya nagdulot ng pagsisikip ng trapiko.