WASHINGTON (Reuters) – Patay na ang US aid worker na si Kayla Mueller, ginawang hostage ng Islamic State sa loob ng 18 buwan, sinabi ng kanyang pamilya noong Martes, ngunit hindi malinaw ang dahilan at sumumpa si President Barack Obama na pananagutin ang responsable para rito.
Nakatanggap ng email ang pamilya ni Mueller at mga litrato nitong weekend mula sa mga bumihag sa kanya kayat nakumpirma ng American intelligence na siya ay namatay, ayon sa mga opisyal ng US.
Sinabi ng Islamic State noong Biyernes na si Mueller, 26, ay namatay nang bombahin ng Jordanian fighter jets ang isang gusali kung saan siya itinatago sa labas ng Raqqa, ang lugar sa Syria ng kontrolado ng mga miltanteng Islamist. Duda ang Jordan at ang mga opisyal ng US sa istorya ng Islamic State tungkol sa kanyang pagkamatay.