AWANG-AWA ang kilalang talent manager sa isang aktor na nawalan ng career dahil sa nasabit ito sa kontrobersiyang siya rin naman ang may kasalanan dahil hindi kaagad niya ito klinaro.

Ayon mismo sa kilalang talent manager, “Kung hindi siya na-involve sa isyu, nasa taas na siya, ka-level na niya si Daniel Padilla. Not Enrique Gil kasi ngayon lang naman si Qen (palayaw ni Enrique) because of Forevermore. Sayang talaga, okay na rin, at least he (aktor) learned his lesson.”

Sensitibo ang isyung kinasangkutan ng aktor noon na hanggang ngayon ay hindi pa gaanong nalilinawan, at bagamat nagpaliwanag na nitong huli ang aktor ay malabo pa rin ang isyu dahil ang taong naging dahilan ng paglamlam ng karera niya ay hindi pa rin nagsasalita.

Panalangin ng kilalang talent manager, “Sana mag-come-out in the open na si _____ (taong dahilan ng paglamlam ng career ng aktor) para klaro na, kasi ilang taon na rin naman siyang nabubuhay sa kasinungalingan at ilang tao na rin ang niloko niya.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Oo nga, bakit nga ba biglang nag-disappear ang taong naging dahilan ng pagkawindang ng career ng aktor? E, kailan lang panay ang painterbyu niya at labas sa lahat ng social media, ngayon bilang nananahimik.

Hindi kaya nakokonsensiya? Naku, digital na talaga ang karma ngayon.