Muling nagsolo ang Adamson University (AdU) sa ikalawang puwesto matapos makamit ang ikasiyam na panalo kahapon sa pagpapatuloy ng ikalawang round ng UAAP Season 77 volleyball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Gaya ng inaasahan, muling ginapi ng Falcons ang winless na University of the East (UE), 25-16, 25-16, 25-20, upang makakalas sa dating pagkakatabla nila ng University of Santo Tomas (UST) sa second spot kasunod ng nauna nang semifinalist na Ateneo de Manila (10-1).

Kinailangan lamang ng Falcons ng 54 minuto upang dispatsahin ang Red Warriors at makamit ang ikasiyam na panalo sa labindalawang mga laro na nagpatatag sa tsansa nila sa top two spots sa pagtatapos ng eliminations na may kaakibat na bentaheng twice-to-beat sa Final Four round.

Pinangunahan ni Michael Sudaria ang naturang panalo sa kanyang itinalang 13 puntos na kinabibilangan ng 10 hits at 2 aces, bukod pa sa 7 digs.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kabilang dako, nanguna naman para sa UE, na sumadsad sa kanilang ika-12 sunod na pagkatalo, si Edward Campusano na nagtala ng 12 hits.

Una rito, sa naganap na pre-tournament presscon na dinaluhan nina NCAA policy board Dr. Vincent Fabella ng season host Jose Rizal University (JRU), Management Committee chairman Paul Supan ng JRU, SBMA Tourism manager Mary Jamelle Camba, lighthouse Marina Resort sales and marketing manager Zedrik Avecilla at iba pang miyembro ng NCAA Mancom, muling inihayag ng NCAA ang hangad nilang mailapit at maipakilala ang sport, gayundin ang liga sa mga lalawigan.

Nabanggit din ang panukalang magdaos ang NCAA ng clinic para sa mga kabataang nais na matuto ng volleyball, gayundin ang posibilidad na maulit ang pagdaraos ng beach volleyball tournament.